Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rollback sa petrolyo barya lang

0 217

Hindi umano sapat ang rollback na ipinatupad sa presyo ng diesel upang maresolba ang problema sa sektor ng agrikultura.

Ayon kay Magsasaka party-list Rep. Argel Joseph Cabatbat barya lamang ang P0.35 kada litrong rollback sa bawat litro ng diesel at P0.30 sa kada litro ng kerosene.

“Barya lang ‘yan kung tutuusin, at the end of the day, talo pa rin ang consumers,” sabi ni Cabatbat.

Mula Enero ay nasa P21.95 kada litro na ang itinaas ng presyo ng gasolina, P18.10 sa kada litro ng diesel at P15.74 sa kada litro ng kerosene.

Nanawagan si Cabatbat sa gobyerno na agad umaksiyon para matulungan ang mga consumer kasama na ang mga magsasaka at mangingisda gaya ng pagbibigay ng subsidy. (Billy Begas/Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.