Una sa Balita

Rollback sa gasolina, diesel pinatupad

0 297

BINABA ng Phoenix Petroleum Phi­lippines kahapon ng alas-sais nang umaga ang presyo sa mga gasolinahan nito.

Ayon sa Phoenix, 80 sentimos ang binawas nito sa presyo sa bawat litro ng gasolina at piso sa bawat litro ng diesel.

Sinabi naman ng Unioil kahapon na bababa ngayong linggo ang presyo sa mga gasolinahan. Ayon sa Unioil, nasa 90 sentimos hanggang piso dapat ang ibaba sa presyo ng diesel at 40 hanggang 50 sentimos naman ang ibababa sa bawat litro ng gasolina.

Inaasang susunod naman ang iba pang kompanya ng langis sa bansa.

Nauna rito ay nagbabala ang Department of Energy sa mga kompanya ng langis matapos silang magpatupad ng malakihang pagtaas ng presyo noong Setyembre matapos ang pagpapasabog sa mga oil facility sa Saudi Arabia at sinabihang parurusahan sila sakaling sila ay nagsasamantala. (Eileen Mencias/Armida Rico)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy