Una sa Balita

Roligon derby: Round 6 ngayon

By
0 320

IKAANIM at hu­ling elims round ng “RMC 29th Anniversary 5-Cock Derby” ang papagitna sa air-conditioned Roligon Mega Cockpit ngayong Huwebes, Marso 14 at ikakasa ang higit 80 sultada.

Sa mga iiskor ng tatlong panalo ngayon, hahatiin ang day prize na P100,000.

Para naman sa mga gustong humabol sa premyong P3.5 mil­yon, puwede ang straight five cocks sa Mar. 28 (grand finals).

Aabot sa kabuuang 300 entries ang inaasahang maitatala sa pa­sabong na ito ni Roligon CEO Dennis Ligon.

Itinakda sa P11,000 ang entry fee at P5,500 ang minimum bet.

Ang 2-cock finals: Mar. 21 (1, 1.5, 2 at 2.5 points taya ang P300,000 sa day champions) at Mar. 28 (3 points lamang).

Sa mga nagpasok na ng dalawang entries, kalahati na lamang (P5,500) ang entry fee sa ikatlong pagsali.

Tawagan lamang ang 519-7345 (Roligon office), 0920-950-9090 (Shirley) at 0926-713-4069 (Ti­ling).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy