Una sa Balita

Roligon Derby: 160 entry na

0 319

IKAAPAT na grupo ng mga sultador ang sasagupa sa RMC 30th Anniversary 5-Cock Derby ngayon, Huwebes, Feb. 20 sa 10,000-seat at air-conditioned Roligon Mega Cockpit.

Bitaw ang may 80 sultada sa fourth round elims ngayon bandang 4pm.
Lumobo na sa 160 entry ang nairehistro sa pasabong na ito ni Roligon CEO Dennis Ligon.

Puwede pang humabol sa 3-cock elims (P100,000 day champ) sa  Feb. 27 at Mar. 5 at 12.

Ang 2-cock final: Mar. 19 (1, 1.5, 2 at 2.5 point may P200,000 sa day champ at Vortex motorcycle sa raffle draw) at Mar. 26 (3 point lamang).

Garantisado ang P4 milyon at itinakda ang entry fee sa P11,000 at minimum bet na P5,500. Para sa champion handler (P100,000) at gaffer (P50,000).

Para sa cockhouse reservation: 8519-7345 (Roligon office), 0920-9509090 (Shirley) at 0926-7134069 (Tiling). (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More