Una sa Balita

Roligon anniversary derby sa February 7

0 537

TATLONG linggo na lamang at sisimulan na sa Roligon Mega Cockpit ang “RMC 29th Anniversary 5-Cock Derby” sa Feb. 7 at inaasahan ang lampas 300 entries.

Sa entry fee na P11,000 at minimum bet na P5,500, garantisado ang P3.5 milyon sa pasabong na ito ni Roligon CEO Dennis Ligon.

Sa mga nagpasok na ng dalawang entries sa elims, P5,500 na lang entry fee sa ikatlo.

Anim na araw ang elims (3-cock) sa Feb. 7, 14, 21, 28, Mar. 7 at 14 (P100,000 bawat araw sa three pointers).

Ang 2-cock finals: Mar. 21 (1, 1.5, 2 at 2.5 points may bonus na P300,000 sa day champions) at Mar. 28 (3 points).

Para sa champion handler ang P70,000 at champion gaffer, P30,000. (Enjel Manato)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy