Una sa Balita

Rogelia, babalik sa kalyeserye!

By
Sinon Loresca
0 4

Nagbabadyang magbalik sa Kalyeserye ng Eat Bulaga si Sinon Loresca o mas kilala nilang si Rogelia. Kung matatandaan ay naging bahagi ng Kalyeserye si Rogelia at marami siyang mga naaliw na mga manonood.

Pero kinailangan niyang umalis at lumipad patungong London ­dahil meron siyang trabaho na naghihintay doon. Naging ­emotional nga si Rogelia sa kanyang pamamaalam noon sa Eat Bulaga at ­nangako na babalik siya. Buong puso naman siyang tatanggapin ng mga taga-Kalyeserye dahil marami siyang pinasaya rito.

Kaya sa kanyang Facebook kamakailan ay ito ang pinost ni ­Rogelia:

“Dabarkads, kamusta na kayo? Ready na ba kayong makita ako sa TV soon? So excited.”
Inamin nga ni Rogelia na sobra niyang na-miss ang mga lola na sina Lola Nidora (Wally Bayola), Lola Tinidora (Jose Manalo) at sina Yaya Dub (Maine Mendoza) at Alden Richards, kaya wait na lang ang lahat sa kanyang pagbabalik.