Una sa Balita

Rodjun-Dianne relasyon pinatatatag ng panahon

0 380

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyNakakalusaw ang birthday message ni Rodjun Cruz sa kanyang fiancé na si Dianne Medina sa Instagram post nito na kung saan dineklara na talaga ng Kapuso actor ang inaasahang panghabang-buhay na pag-ibig sa kanyang nasabing kasintahan.

Humamig nang maraming kilig sa social media ang mensahe ni Rodjun kay Dianne para sa kaarawan nito.

Punong-puno kasi ito ang pagmamahal at pag-ibig sa dalaga kasabay ng pangako nitong hindi na sila maghihiwalay pa.

Bagama’t, hindi naman beauty queen si Dianne kundi ang pinsang si Maxine Medina, itinuring ni Rodjun na Miss Universe ng buhay nya ang aktres.

@rodjuncruz, “Happy birthday sa Ms. Universe ng Buhay ko @dianne_medi8na. Mahal na mahla kita at mas lalo pa kitang mamahalin hanggang sa pagtanda natin. Salamat sa walang sawang pagiintindi, pag alaga at pagmamahal sakjin. Ako na atah ang Pinakamaswerteng Lalaki sa buong Mundo!

“Sobrang Proud ako sayo. I’ll support you all the way. Sabay natin aabutin ang mga pangrap natin. You and me together forever. Enjoy your special day. God bless you always my Fiance soon to be my wifey!”

Higit na sa 10 taon ang relasyon nina Dianne at Rodjun. Ibig sabihin, pinatatag na ito ng panahon at malabo na itong mabuwag pa sa dami na rin ng kanilang pinagdaanan.

 

Cristina reresbak vs nagpakalat ng mapanirang balita

Pinag-aaralan na ng legal team ni Tacloban Mayor Cristina Gonzalez ang posibleng pagsampa ng kaso o resbak sa nagkalat ng balitang hiwalay na sila ng tatakbo uling Mayor ng Tacloban na si Alfred Romualdez.

Sa maikling text conversation namin ng magandang public servant, sinabi nitong nakikipag-usap na siya sa kanyang mga lawyer sa hakbang na gagawin para makasuhan ang itinuturing niyang paninirang puri sa kanilang marriage life nila ni Alfred.

Sa kumalat na bali­ta, sinabi rin dito na diumano ay may ibang lalake si Mayora, isang akusasyong wala ni katiting na katotoha­nan.

Ayon kay Mayora, hindi perpekto ang kanilang pagsasama ni Mayor Alfred gaya ng ibang mag-asawa pero nanatiling buo ang kanilang pagsasama at matibay ang pagmamahalan nila sa isa’t isa.

“Mahal na mahal ko ang asawa ko”, ang sabi pa sa amin ni Ma­yora sa text, kasunod ng pagsasabi niyang “hindi na mababago pa ito kahit kailan”.

Bagama’t, alam ni Mayora na politically motivated ang tsismis na ito sa kanilang pagsasama, pero bakit ang kanilang personal na buhay ni Alfred ang tinitira ng mga kalaban.

Hindi na nga raw tatakbo si Mayora Cristina sa susunod na eleksyon dahil gusto niyang mag-focus bilang asawa at ina ng dalawa niyang anak.

In fairness naman kay Mayora Cristina. Matagal na namin itong ka­kilala at kaibigan. Ilang beses na rin namin itong nakakasama sa pagbisita namin sa Tacloban.

Hindi lang kitang-kita, kundi ramdam namin ang pagmamahalan sa isa’t isa nang dalawa at ang solid na suporta nila sa isa’t isa sa kanilang tungkulin at malasakit sa Tacloban, lalo na sa kanilang pagiging mag-asawa.

Ang laki ng respeto ni Mayora Cristina kay Alfred at ganundin naman si running for Mayor na si Alfred.

 

Zsa Zsa inalala si Dolphy

Hinding-hindi talaga makakawala sa alaala ni Zsa Zsa si Dolphy lalo’t parang hindi pa kayang pakawalan ng singer-actress ang anumang bagay na may attachment sa kanya ng yumaong Comedy King.

Sa isa sa pinaka-la­test posting ni Zsa Zsa sa kanyang Instagram wall, pinaskil nito ang suot-suot niyang relo na ayon sa kanya ay regalo pa niya noong nabubuhay pa ang nasabing ex.

Sa caption, nag-throwback si Zsa Zsa sa kuwento ng pagbibigay niya ng relo bilang regalo noong nagsasama pa sila ni Dolphy.
@zsazsapadilla, “I’ve kept this watch for sentimental reasons. I gave this to Dolphy several years ago and every time he’d wear it, it wouldn’t tell me the right time and he had to set it.

“He wouldn’t wear it much (he had very little patience for tri­vial things), so I star­ted borrowing it until I asked if I could just have it back! He just smiled and agreed.

“I think I loved the design more than he did. We almost had the same wrist size, so I didn’t need to change the strap.

“I had it repaired recently and almost forgot about it until I received a text, I’m so happy it looks brand new again!

“Anyhow, just wan­ted to let you know that I only sentimental like that. It’s the only piece of jewelry that we have ‘shared’ #breitling”.