Una sa Balita

Roderick nagluluksa

By
0 1,138

Ang dapat sana ay masa­yang selebrasyon ng pamilya ni Roderick Paulate ngayong Bagong Taon ay binalot ng lungkot at luha dahil sa hindi nila inaasahang pagkamatay ng kanilang kapatid na Si Amie Paulate Angeles.

Ayon kay Dick, bagama’t masakit ang pagpanaw ng kanyang kapatid, ipinapasa-Diyos niya ang lahat ng kanyang sakit, lungkot at pagkaka-miss na kaagad sa babaeng kapatid niya.

Nagulat nga raw sila dahil hindi nila ito inaasahan lalo na nga’t masaya dapat sila habang sinasalubong ang pagpalit ng taon, na dapat sana ay magkasalo pa sila, pero yun nga, isang kakaibang sopresa ang kanilang tinanggap.

Sabi niya, ikumusta na lang daw siya sa mga nauna na nilang mahal sa buhay na namayapa.

Tuloy pa rin naman daw ang kanyang buhay lalo na nga’t magiging abala na rin siya sa nalalapit na eleksyon at magandang therapy ito para makapag-move on din siya kaagad.

Our condolences, Dick!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy