Una sa Balita

Rockslide sa Batanes pinalilinis

By
0 6

Pinakilos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga tauhan nito na magpadala ng mga tauhan at kagamitan para linisin ang mga batong gumuho at humarang sa lansa­ngan dahilan sa malakas ng buhos ng ulan.

Sa impormasyong ipi­nadala ng DPWH, mala­king problema ang nararanasan ngayon sa Basco-Mahatao-Ivana-Uyugan-Imnajbu Road sa Ivana, Batanes dahil sa mga nagkalat na malalaking bato na gumuho sa kasagsagan ng ulan.

Base sa ulat ng DPWH Regional Office 2, tinata­yang aabot sa 750 cubic meters ng rockslide ang nagpasara sa daloy ng trapiko sa road section ng KM 8+750 ng Basco-Mahatao-Ivana-Uyugan-Imnajbu Road.

Dahil dito, pinayuhan ang mga motorista na dumaan at gamitin ang interior Mahatao-Imnajbu Road bilang alternate route.