Una sa Balita

Rockets umapoy kina Harden, Westbrook

0 320

SUMAKAY ang Houston Rockets sa 34 points ni James Harden at 27 ni Russell Westbrook para kalsuhan ang three-game skid sa bisa ng 117-108 panalo kontra Miami Heat Miyerkoles nang gabi.

Naiganti rin ng Rockets ang 129-100 rout sa Miami sa unang meeting nila noong Nov. 3 nang magliyab ng 46 points sa first quarter ang Heat.

Anim na sunod na puntos ang tinuhog ni Kelly Olynik para ilapit ang Heat sa 10 may 1 minute pa sa laro. Nagsalpak ng isang free throw si Harden, isa rin kay Goran Dragic sa kabila.

Nagkagirian nang bigyan ni Dragic ng hard foul si Danuel House 30 se­conds pa, ni-review ang play at naging flagrant foul 1, pinituhan ng technical foul si House dahil sa pagrereklamo pagkatapos ng foul.

May sakit si leading scorer Jimmy Butler, namuno sa Heat ang 22 points ni Tyler Herro at 19 ni Olynyk.

Tumapos ng 23 points si House, may palamuti pang 9 rebounds at 7 assists si Westbrook.

Nagkasa ng 10-3 spurt ang Heat para dumikit 103-91 may 5 minutes pa.
Ibinaon ni Harden ang isa sa kanyang pitong 3s bago sumagot ng isa rin mula long range si Olynyk. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More