Una sa Balita

Rockets iaapela ang dunk ni Harden

0 566

NANGAILANGAN ng dalawang extra periods ang San Antonio Spurs bago naipagpag ang Houston Rockets ­135-133 nitong Martes.

Pero mukhang kulang pa ang 2 OTs para desisyunan ang laro, dahil posibleng madagdagan ng extra time para ­i-review ang laro kung totoong ­magpo-protesta ang Rockets.

Kinukuwestiyon ng Houston ang dunk ni James Harden sa fourth ­quarter, Abante ang Rockets 102-89, kumaripas si Harden pa-kabila at dumakdak.

Nadagdagan ang puntos ng ­Houston sa scoreboard, pero iba ang nakita ng referees.

Not counted ang dunk dahil ayon sa game officials, iniluwa ng basket ang bola. Basket interference daw. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More