Una sa Balita

Rochelle sobrang hirap sa pagpapasuso

0 378

Ni: Rose Garcia

May pagsisisi na inamin si Rochelle Pangilinan na sana raw pala noon pa sila nag-anak ng mister na si Arthur Solinap. Nakausap namin si Rochelle habang karga-karga ang six months old baby na si Shiloh Jayne.

Sey niya, “Ang saya, saya, saya na sana pala, noon pa kami nagka-baby. Eh dati ang daming takot noon, ang da­ming what ifs.”

Natatawang sabi pa niya, nasisi pa raw niya si Arthur na pinatagal pa ang pagpu-propose sa kanya ng kasal. Total breastfed din si Rochelle sa baby nila.

“Alam mo ‘yung feeling ko na inang-ina, na nabibigay ko ang pangangailangan niya. At hanggang ngayon, wala siyang tine-take na vitamins.

“Kaya kapag may nakakausap akong mga mommy, sinasabi ko na tiisin lang muna kasi, masakit ‘yung first few weeks.”

Desisyon daw nilang dalawa na huwag na lang kumuha ng yaya para sa anak kaya very hands-on silang mag-asawa sa pagpapalaki kay Shiloh. Puring-puri rin ni Rochelle si Arthur kung paano ito bilang Daddy.

Balik showbiz na rin si Rochelle dahil kasama siya sa bagong primetime series ni Alden Ri­chards na “The Gift.”

Nag-usap na raw sila na kapag siya ang nasa work, si Arthur ang tagapag-alaga ng baby nila at vice-versa.

Kontrabida na sexy secretary ang role niya at true enough naman, kahit ilang buwan pa lang na nanganak, naibalik na agad ni Rochelle ang kanyang kaseksihan.

At dahil cesarean siya, jogging, walking lang daw ang ginawa niya araw-araw at bawas ng kain. Umabot daw siya ng 150 kilos noong buntis, e, ang ideal weight niya ay 110 kilos. Ten pounds pa raw ang kailangan niyang ma-lose.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy