Una sa Balita

Rochelle namamangha pa rin kay Nora Aunor

0 450

Na-hack ang Instagram account ni Rochelle Pangilinan. Pero nagpapasalamat ito na natulungan daw siya ng security force ng GMA-7. Fee­ling daw niya, matagal na itong tina-try na i-hack dahil early November pa lang, may mga nagpapadala na ng messages sa kanya.

Akala raw niya from Instagram talaga ang messages dahil kapag ino-open niya, nadi-direct sa IG. ‘Yun pala, may mga ganung modus na talaga na gayang-gaya ng mga hacker ang socmed account.

Ang nang-hack pa raw ng account niya ay Turkish at nagpakilala pa raw na sila ang shadow hacked team. Dahil nagawan ng paraan at nabawi rin nila ang IG account niya, hindi pa raw na-take over fully ng hacker ang account niya, although, maraming pictures na niya ang na-delete.

Nagpapasalamat lang si Rochelle na ‘yung mga follower niya ay nabawi pa rin niya. Kaya palit daw siya ng lahat, password at maging e-mail. Kapag na-hack na nga naman at hindi na niya nabawi, mahirap na magsimula siyang muli.

Nakausap namin si Rochelle sa taping ng primetime series niya na Onanay. Isa rin ito sa ipinagpapasalamat niya na kahit 7 months na siyang preggy sa panganay nila ni Arthur Solinap, tuloy-tuloy pa rin siyang nakakapagtrabaho at magaan lang daw talaga ang lahat sa kanya.

Baby girl ang ipinagbubuntis niya na okay raw sa kanila dahil marami ang nagsasabing mas magandang panganay ang girl than boy.

Kakatawa lang si Rochelle na hanggang ngayon parang starstruck pa rin sa co-star niya sa Onanay na si Nora Aunor. Hindi pa rin daw siya makapaniwala na kaeksena niya ang Superstar lagi.

“Nagmo-moment ako, Nora Aunor ka-eksena ko. Bini-video ko. Tapos sinasabi ko sa kanya, hindi ako makapaniwala na kaeksena kita. Sasabihin niya, hayan ka na naman! Ha ha ha!”

 

Jake Zyrus imbitado ang ina sa kasal

 

Kung buhay pag-ibig ang pag-uusapan, nakikita naman namin kay Jake Zyrus na masaya nga ito sa bago niyang girlfriend, si Shyre Aquino na kunsaan, inamin na ni Jake na engaged na sila.

Matagal na raw siyang nakapag-propose dito, pero ngayon lang lumabas. So far, gusto pa ni Jake na gawing pribado ang mga detalye ng plano nilang pagpapakasal although ayon dito, posible namang sa ibang bansa kunsaan legal ang same sex marriage nila ito gawin. If ever na sa ibang bansa, ang gusto nila ay civil lang then, ang celebration ay dito sa Pilipinas.

Bata pa lang daw, pangarap na ni Jake ang maikasal at magkaroon ng sariling pamilya. Though, wala pa sila dun sa pagkakaroon ng anak.

Sa kabila ng lahat, bukas sa publiko ang matagal nang hindi pagkakaunawaan sa pagitan nila ng kanyang ina na si Racquel Pempengco. Nang makausap namin si Jake sa presscon ng biggest charity music festival of the year ng Frontrow kunsaan, he will lead the concert with other biggest names in the industry, sinabi nitong siya raw kasi, wala siyang galit sa puso niya lalo na sa ina.

“Wala kasi akong tanim sa dibdib ko na magkaaway or anything. Sa relationship kasi, parang hindi naman kami y’ung war or hate something. It’s something different talaga. Parang mas okay na hindi kami magkakasama, it’s better that way.”

Kapag ikinasal, imbitado raw niya ang ina at pamilya.

Pero kung anuman ang mangyari, obviously, tanggap na ni Jake.

“Of course, they’re invited. But I wouldn’t be surprised kung wala sila ro’n and it wouldn’t hurt me at the same time. Alam naman na kung ano ang perspective nila about me and my sexuality.”

Sa isang banda, mahirap daw i-explain kung bakit nasabi niyang ang present girlfriend ang gusto na niyang pakasalan. Ang sigurado raw, hindi ito puppy love lang.

“Gusto ko na talaga ang idea of getting married and settle down,” sey niya.

Si Jake na rin ang bagong endorser ng Frontrow na ayon kay RS Francisco, matagal na talaga siyang gustong kuhaning endorser na ngayon na nga nagkaroon ng katuparan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy