Una sa Balita

Rocco Nacino umatras sa banta na sampal kay Jolo Revilla

By
0 3,764

Agad-agad ngang binura at nag-apologize si Rocco Nacino sa naging tweet reaction niya sa nag-viral na interview blooper ni Jolo Revilla.

Grabe rin kasi ang inabot niyang bashing mula sa mga taong nayayabangan at tinatawag na papansin ang aktor.

Nabanggit tuloy sa mga reaction ang name ni Lovi Poe na kapwa pala naging girlfriend nina Jolo at Rocco.

At para marahil hindi na ito lumala pa, agad na nag-apologize si Rocco sa kanyang ginawa, but never siyang nag-sorry kay Jolo lalo na’t nagkomento itong ‘sarap sampalin’.

Nakakatawa nga dahil imbes na sapak, sampal pala ang alam na gawin ng hunk actor hahaha!