Una sa Balita

Rocco Nacino nilait sa fashion show

By
0 53

Mixed reactions ang natanggap ng pagpapaka-daring ni Rocco Nacino sa Bench fashion show. May mga nagkagusto sa pinakakitang kaseksihan ni Rocco, na appreciated nila ang magandang katawan nito pati na ang pagsusuot nito ng thong underwear.

Natuwa ang ilang beki dahil ahit na ahit daw ang mga singit ni Rocco at wish daw nila na sila ang umahit at itinago nila ang mga ‘bolivia’ ng aktor bilang souvenir.

Pero, may mga nanlait din kay Rocco. Nandiyan ang sabihing masyadong maiigsi ang mga biyas ng aktor kaya hindi bumagay sa kanya ang mag-thong. Mas bagay raw ito sa matangkad na tulad ni Markki Stroem.

Inokray ang maigsing torso ni Rocco. Bagama’t may abs daw ito, vertically challenged daw ito. Mas lalo raw nagmukhang maliit ang aktor dahil nagpalaki pa ito ng katawan.

Nilait din ng ibang netizens ang halos walang makitang bukol kay Rocco sa suot nitong thong. Para daw meron siyang keps dahil flat na flat daw ito.

Pero sa kabila ng mga bashings, nagpasalamat pa rin si Rocco sa maraming pumuri sa kanya at sa pasabog na ginawa niya sa naturang fashion show.

“Told you guys you’d be seeing a different Rocco tonight. Thank you for the roars tonight guys. You all made my night. I’m honored to have celebrated my 30th year in life together with this awesome clothing brand!” caption pa ni Rocco sa IG post niya.