Una sa Balita

Rocco Nacino idinaan sa pagtulong ang kaarawan

0 514

Mas pinili ni Rocco Nacino ang sumamang mamahagi ng goods sa mga tao kaysa i-celebrate ang kanyang 33rd birthday. Noong March 21 ang kaarawan ng aktor at pinoste ng kanyang kasintahang si Melissa Gohing sa Instagram nito ang larawan ng pagbibigay nila ng mga relief goods kasama ng iba pang mga military at reservist na gaya ni Rocco.

Sa komento ng kasintahang si Melissa Gohing, sinabi nitong nagdesisyon si Rocco na mamahagi na lang ng tulong sa mismong araw ng kanyang kaarawan.

Nagpasalamat naman si Rocco sa kasintahan dahil sinamahan sya nito sa pagdi-distribute ng mga goods noong araw na iyon.

Samantala, magkasama man sa bahay ipinapatupad nina Rocco ang payo na social distancing. Sa tweet ni Rocco, naikuwento niya na kahit nag-uusap silang pamilya, isang metro ang layo nila sa isa’t isa.

Kunsabagay, sa paglabas-labas ni Rocco para mamahagi ng mga goods, hindi malabo na makapitan siya ng COVID-19. At ayaw naman niyang mahawahan ang kanyang mga mahal sa buhay. (Rey Pumaloy)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More