Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Rocco, Melissa pakakasal na

0 189

Kung may nag-break ngayong pandemic, meron namang masaya ang lovelife at na-engaged na. Napakaraming masaya para sa Kapuso actor na si Rocco Nacino na engaged na sa kanyang girlfriend, ang dating DLSU Volleyball player na si Melissa Gohing.

Nag-proposed si Rocco sa kanyang girlfriend noong gabi ng Biyernes, November 20 habang ang mga kaibigan nila ay witnessed sa pamamagitan ng zoom.

Ilang araw or almost a month before the proposal, may pasabog na si Rocco na birthday gift kay Melissa. Mahilig daw ito sa tear drop diamond at isa nga ito sa naging birthday gift niya noong 29th birthday ng fiancee last October 22.

At noong Biyernes na ng gabi, nag-proposed na si Rocco sa girlfriend with Gideon Hermosa na siyang nag-set-up ng lugar, outdoor and overlooking the city and mountain.

Isang simpleng, “And she said yes. I Love you Forever.”

Inulan ng mga pagbati ng mga kaibigan niyang artista si Rocco. Ilan sa mga ito ay sina Dingdong Dantes, Heart Evangelista, Winwyn Marquez, Edgar Allan Guzman, Ruru Madrid, Mark Herras, Lotlot de Leon, Solenn Heussaff, Rodjun Cruz at marami pang-iba.

Sandara suportado si Minzy

Suportado ni Sandara Park ang kaibigan at dating kasamahan sa 2NE1 na si Minzy. Nag-sign-up sa VIVA ang South Korean singer na si Minzy para sa kanyang career sa bansa.

Pinost ni Sandara sa kanyang Twitter account ang album nito na Lovely na may Tagalog version at pinuri nito ang pagkanta ng tagalog ni Minzy.

Ayon kay Sandara, “Ang galing!!!!!! Minzy’s Lovely tagalog version!!!!! Sobrang bagay ang boses nya and ung lyrics sa kantang ito– nagustuhan nyo ba?! Hehehe suportahan natin ang bunso namin, Gogogo!!!

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.