Una sa Balita

Rocco lodi ng kabataan

By
0 30

Grabe rin itong si Rocco Nacino, puwedeng-puwede talagang gawing inspirasyon ng maraming kabataan.

Kahit na busy sa kanyang showbiz career, e, hayan nga at may regular serye siya na Haplos among others, nagawa pa rin niyang magtapos ng kanyang Masteral Degree.

Registered Nurse na si Rocco sa mga hindi nakakaalam. Pero ayaw­ niyang tumi­gil sa pag-aaral. In fact, plano pa nitong kapag nakahanap ng oras, kumuha pa ng PhD.
Inamin niya na hinahanap-hanap daw talaga niya ang pag-aaral.

“Sa totoo lang, ginawa ko naman ang Master’s Degree out of self-fulfillment. Hinahanap-hanap ko rin ang mag-pursue ng higher education. At sinabi ko na kailangan kong gawin ‘to para sa sarili ko.

“And it turns out na habang ginagawa ko pala ‘to, nakaka-inspire pala ako ng mga kabataan.”

Bukod sa pagtatapos ng masteral, nagsisimula na rin daw ang construction ng ipinapatayo niyang bahay.

Nakuwento na dati ni Rocco na ang bahay na pinapatayo niya kaya mara­ming rooms ay sa dahilang ito na rin ang bahay na ititira niya ang magiging pamilya niya.

Habang wala pa raw at wala pa rin siyang mga anak na mag-o-occupy ng rooms, gagawin muna raw niyang walk-in-closet niya.

Ang tanong, may nahanap na nga ba siyang babaeng ititira na niya sa ipinapagawang bahay?

“Wala pa e, kailangang hintayin ko ‘yan for the right moment.”