Una sa Balita

Robredo walang ambisyon sa puwesto ni Duterte

By
0 1,980

Iniiwasan na umano ni Vice President Leni Robredo na akusahan siyang ambisyosa at nais na palitan si Pangulong Rodrigo ‘Digong’ Duterte.

Sa dinaluhang open forum ng pangalawang pangulo sa Wolfson Theatre, London School of Economics, United Kingdom, sinabi nitong naging mai­ngat na siya ngayon sa kanyang mga bibitawang salita partikular pagdating sa usapin ng human rights.

Paglilinaw pa ni Robredo, hindi dahil sa natatakot siya kundi iniiwasan niyang bibigyan na naman ng kulay ang kanyang sasabihin dahil madalas iba ang naging dating nito sa ilang tao at inilihis sa tunay na isyu at palalabasin pang may ambisyon siyang palitan ang pangulo.

“You know, I have been placed in a lot of very controversial positions because of my statements on human rights. I have very passionate views on it, but honestly I don’t think I would be the best person to debate the President on this, because whenever I open my mouth on human rights, it’s become, you know… for some reason, there are people who are able to shift ng kulay ang focus not on the issue that I talk about, but on the fact that I am very ambitious and I want to take the presidency out of our President. I’m trying to be very, very careful about — not because I am afraid, but because I do not want again my statements to shift the focus on real issues at hand,” tugon ni Robredo nang tanungin kaugnay sa usapin ng human rights.

Aminado pa si Robredo, na ang usapin ng human rights sa Pilipinas ay nagbibigay ng masamang dating para sa bansa at ito’y nakakalungkot dahil hindi naman ito katulad noong mga nagdaang panahon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy