Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Robredo viral sa bakuna: Fake news ‘yan

0 183

NILINAW ni Vice President Leni Robredo na hindi siya ang nasa viral photo na tinuturukan ng bakuna laban sa COVID-19 sa Marikina City.

Sinabi ni Robredo na isa na namang fake news ang ipinakakalat ng mga taga-suporta ng Duterte administration.

“This is ridiculously funny. Hindi po ako ‘yan,” sinabi ni Robredo.

SM food to go Banner Ad

“Ayoko na sanang patulan pero ang daming nagpapadala ng mga screenshot. Kung hindi kayo busy, pa-report na lang please,” sinabi ng Pangalawang Pangulo.

Sinabi Robredo, na sinabi sa kanya na ang nasa larawan ay si Dr. Flordeliza Grana, isang pediatric surgeon sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center (ARMMC).

Umani ng batikos ang post mula sa mga “troll” at supporter ng administration kung saan sinasabi na mali ang ginawa ng Pangalawang Pangulo na makapagpabida lang umano. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.