Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Robredo vaccine express dadayo ng Cagayan de Oro, Davao City

0 142

Kinumpirma ni Cagayan de Oro City Rep Rufus Rodriguez na pinaplantsa na ang paghahatid sa kanilang lalawigan ng Covid Vaccine Express na programa ni Vice President Leni Robredo kung saan nasa 20,000 driver ng trisikad, habal-habal, motorcycle, jeepney, taxi at mar-ket vendor ang mabibigyan ng bakuna.

Ayon kay Rodriguez 4 na lugar sa CDO ang inisyal na mabibigyan ng bakuna.

Maliban sa CDO ay handa din ang OVP na dalhin ang vaccine express sa ilan pang lugar sa Visayas at Mindanao maging sa Davao City.

Una nang sinabi ni Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo na handa nilang tulun-gan ang Davao sa paglaban sa COVID-19 maliban nalamang kung may haharang.

“Ever since ginagawa na ni VP ito. Tulong lang. Game si VP na gawin din ito sa Davao— unless pulitikahin na naman siya,” nauna nang pahayag ni Gutierrez.

Ipinunto ni Gutierrez na hindi pamumulitika ang ginagawa ni Robredo taliwas sa akusasyon ni Mayor Duterte bagkus aniya, ang Pangalawang Pangulo ang napopolitika.

Matatandaan nagbigay ng suhestiyon si Robredo sa Davao City na gayahin ang sistemang ginawa ng Cebu City para pababain ang COVID case matapos magtala ang lalawigan ng pinaka-mataas na kaso sa buong Southern Mindanao noong unang Linggo ng Hunyo.

Hindi maluwag na tinanggap ni Mayor Sara Duterte ang payo at sinabihan si Robredo na iwa-san ang pagbibigay ng advice kung wala naman itong alam sa kung ano ang nangyayari sa ground.

Nilinaw ng kampo ni Robredo na walang political attack sa presidential daughter sa pagpapayo at walang intensyon na mamulitika.

Leave A Reply

Your email address will not be published.