Una sa Balita

Robredo sa PET: Marcos electoral protest tuldukan na

0 382

MAS makakabuti umanong kung madedesisyunan na sa lalong madaling panahon ng Presidential Electoral Tribunal (PET) ang protestang inihain ni dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ayon kay Vice President Leni Robredo.

“Actually kami last month nag-file na kami motion for the PET to decide. Sa amin, makakabuti na mag-decide na agad, matagal na naming hinihingi na mag-decide na kaagad,” pahayag ni Robredo sa pa­nayam kahapon ng mga reporter.

“Kasi kapag wala pang decision, nagkakaroon ng platform para gumawa ng mga hindi tamang balita. Gumawa ng mga haka-haka na hindi nakakatulong,” dagdag pa nito.

Nasa Senado kahapon si Robredo kung saan iprini­senta niya ang panukalang P673 milyon pondo ng OVP para sa 2020.

“Kasi ngayon, nauuna­han kami ng propaganda. ‘Di ba ang tawag nga sa akin ay fake VP,” sabi ni Robredo.

Kung lalabas na ang desisyon ng PET, maipagpapatuloy na umano niya ang kanyang mga proyekto na wala nang anumang ba­lakid.

“At least kung may decision na sana, matutuldukan na ang lahat ng pangamba, ang pag-aalinlangan sa kung ano ba talaga ang nangyari nu’ng 2016,” ani Robredo.

“Kapag natuldukan ito, mas buwelo na rin kaming gawin kung anong gusto naming gawin,” dagdag pa nito. (Dindo Ma­tining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy