Una sa Balita

Robredo rating dumausdos din

By
0 3

leni-robredoHindi lamang si Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang bahagyang dumausdos ang grado sa tao kundi maging si Vice President Leni Robredo kung saan ang nakitang sangkap ng pagbaba ay ang pag-exit nito sa gabinete ng admi­nistrasyong Duterte.

Bumaba ng pitong puntos o naging 58% mula sa dating 65% ang trust rating ni Robredo, ayon sa Pulse Asia survey.

Isinagawa ang survey nu’ng nakaraang Disyembre 6-11, 2016 dalawang linggo matapos itong mag-resign bilang housing czar. Mayroon itong 1,200 respondents.

Nauna nang inilabas ang trust at approval rating survey ni Pangulong Rodrigo Duterte ng nasabi ring survey firm na nakakuha ng 83% na bu­maba ng tatlong porsi­yento mula sa dating 86%.

Gayunman, sa kabila ng pagdausdus ng trust rating nina VP Leni at PDU30 ay lumalabas na silang dalawa pa rin ang tanging pinagkakatiwalaang mga opisyal ng gobyerno ng mayorya ng mga Filipino.

May error margins na +3% sa national level at + 6% sa regional ang survey.