Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Robredo pumalag sa intel fund

0 174

NILINAW ni Vice President Leni Robredo na walang intelligence funds ang kanyang tanggapan.

Inihayag ito ni Robredo kasunod ng inilabas na 2019 Annual Financial Report ng Commission on Audit (COA) sa listahan ng government offices na gumamit ng mataas na halaga mula sa confidential, intelligence, at extraordinary at miscellaneous funds (CIF).

Sinabi ito ni Robredo nang sabihin sa report na ang Office of the Vice President ang “lowest spender” sa government agencies sa halagang P547,000.

Pero sinabi ni Robredo sa programang “BISErbisyong Leni,” hindi siya gumagamit ng intelligence funds.

Ang P547,000 na nakasaad ss report ay “by-law allowances” at wala siyang kinalaman sa pagdedesisyon ng paggastos dito. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.