Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Robredo pumalag sa fake account ng anak

0 157

IBINUNYAG ni Vice President Leni Robredo na may isang pekeng Facebook account na nagpapanggap na social media page ng anak nitong si Tricia.

Sinabi ni Robredo na may Facebook post na nagpapadala umano ng mga hate messages, at ginaya pa ang profile picture at entries sa totoong account ni Tricia, na nakakakuha ng maraming followers.

“Tricia only has one Facebook account and hers is verified. May blue check siya sa katabi ng name,” sinabi ng pangalawang pangulo.

SM food to go Banner Ad

“Yung fake account, siya yung nasa right picture, obviously being promoted by sick minds. If you followed the fake account or received a friend invite from the fake account, please unfriend,” sinabi pa ni Robredo.

Sinabi ni Robredo na ang lahat ng mga usapan dun at mga likes ay tila “scripted” at nanawagan sa publiko na i-report ang account.

“They are fake news peddlers who do not deserve any space online,” sinabi ni Robredo.

Si Tricia ay anak ni Robredo na bagong pasadong doktor sa board ay nauna nang binatikos kasama ang kapatid na si Aika, ni Presidential spokesperson Harry Roque dahil sa mga pasaring na tweets na patungkol umano kay Pangulong Rodrigo Duterte. (Kiko Cueto)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.