Una sa Balita

Robredo nagdagdag ng bodyguard

0 619

UPANG matiyak ang kaligtasan ni Vice President Leni Robredo matapos tanggapin ang puwesto bilang co-chair ang Inter-agency Council on Anti-Illegal Drugs ay nagdagdag na din ito ng kanyang security personnel.

Ayon sa tagapagsalita ni Robredo na si Atty. Barry Gutierrez, may kaakibat na panganib ang bagong posisyon ng Pangalawang Pangulo kaya naman dagdag seguridad din ang ginawa nito.

“Mayroon pong dagdag na panganib ang trabaho na ito dahil drug lords ang kanyang makakalaban. Pero alam nila ito ang tamang gawin. Noong nag-decide na siya na tanggapin ang trabaho, nag-step up na ang kanyang mga security para masiguro ang kanyang kaligtasan,” paliwanag ni Gutierrez.

Hindi naman sinabi ni Gutierrez kung ilan ang security na idinagdag ni Robredo gayundin kung maging ang mga anak ng Pangalawang Pangulo ay binigyan din ng Philippine National Police (PNP) ng dagdag na security personnel.

“VP Robredo is aware of the risk that comes with the appointment, and regards her family’s security as paramount” pagtatapos pa ni Gutierrez. (Tina Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy