Una sa Balita

Robredo: Merong rape kasi merong rapist

0 531

NANGYAYARI ang rape dahil may rapist, pahayag ni Vice President Leni Robredo bilang reaksiyon sa rape joke ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan.

Sabi ng Bise Presidente, maling isisi ang pagdami ng magagandang babae kaya tumataas ang bilang ng mga kaso ng panggagahasa sa Davao City.

“Kailangan iprotesta natin. Alam natin na hindi ‘yun tama. Merong rape kasi merong rapists. Hindi merong rape dahil merong magagandang babae,” sabi ni Robredo sa isang press conference kahapon sa Quezon City.

Binatikos ng iba’t ibang grupo ang rape joke na iyon ng Pangulo subalit giit ng huli, bahagi lang ito ng kanyang freedom of expression.

Pero sabi ni Robredo, hindi umano dapat gawing biro ang rape kahit na sabihing ito ay bahagi ng ‘freedom of expression’.

“‘Yung freedom of speech parati may limitasyon. Hindi dapat ito ginagamit para mambastos ng kahit sinuman. Hindi ito dapat ginagamit para i-disrespect ang bawat Pilipino,” ani Robredo.