Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Robredo kay Briones: Mga estudyante boss mo, hindi si Duterte!

0 270

Binanatan ni Vice President Leni Robredo si DepEd Secretary Leonor Briones dahil tanging si Pangulong Rodrigo Duterte lamang umano ang pinapakinggan nito.

“Dapat yung boss ni Secretary Briones ay ‘yung mga bata na kailangan matuto, ‘yung mga teacher na kailangan ng tulong, hindi si Presidente,” saad ni Robredo sa kanyang radio program.

Totoo na si Presidente ‘yung nag-appoint sa kanya. Pero sana naman ipagtanggol niya ‘yung mga bata na nangangailangan ng tulong. Hindi naman dito puwede ‘yung blind obedience,” aniya pa.

Matatandaan na sinabi ni Briones na hindi umano pinayagan ng Department of Education ang Community Learning Hub ng opisina ni Robredo dahil si Duterte ang kanilang sinusunod.

Depensa aman ni Robredo, walang face-to-face class na nagaganap sa kanilang proyekto, at nakipag-usap din sila sa ilang opisyal ng DepEd simula pa noong July hinggil sa naturang learning hub.

Saad ni Robredo, ang naging pahayag ni Briones tungkol sa kanilang proyekto ay magdudulot ng takot sa mga principal o local official dahil baka maparusahan sila ng gobyerno.

“Hindi dito puwede ‘yung ginagawa mo, ipi-please mo ‘yung mga nakakataas sayo at the expense ng mga estudyante na natulungan,” sambit ni Robredo. (RP)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.