Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Robredo ilalampaso uli si Marcos

0 115

Makikipagsalpukan sa pagka-pangulo ng bansa sa 2022 elections si Vice President Leni Robredo kung si dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos ang kanyang makakalaban.

Sa kanyang lingguhang radio program, sinabi ni Robredo na nakahanda siyang magdeklara ng kanyang paglahok sa presidential race sa susunod na taon kung siya ang mapipiling manok ng unity ticket at si Marcos ang kanyang makakatapat.

Ani Robredo, tinalo na niya sa pagka-bise presidente noong 2016 ang anak ng yumaong si dating Pangulong Ferdinand Marcos kaya tiwala siyang muli niya itong mapatutumba.

Kapag ako ang unity candidate, handang-handa ako,” dagdag pa ni Robredo.

Kasabay nito’y nanawagan si Robredo sa publiko na magkaisa at huwag ng pumayag na may makaupo ulit na isang Marcos sa Malacañang para pamunuan ang bansa.

“Alam natin kung ano ang ginawa ni Marcos sa Pilipinas. Hindi ‘yon speculation, naka-record ‘sa history kung ano ang ginawa ni Marcos sa bansa natin,” giit ni Robredo.

Sa kasalukuyan, patuloy na nakikipag-usap si Robredo sa mga potensyal na presidential candidate para hikayatin ang mga ito na magkaisa sila laban sa magiging manok ng administrasyong Duterte. (Mia Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.