Una sa Balita

Robredo bilang drug czar tama lang — Palasyo

0 490

TAMA lamang ang pagtanggap ni Vice-President Leni Robredo sa hamon na maging drug czar para makita ang reyalidad sa anti-drug operation na ginagawa ng mga awtoridad.

Inihayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 43rd cabinet meeting sa Malacañang nitong Miyerkoles ng gabi.

Sinabi ni Presidential­ Spokesman Salvador Panelo na inaasahan ng Pangulo na maiin­tin­dihan na ngayon ng Bise-Presidente ang mga pangyayari sa anti-drug operation taliwas sa paniwala nito na may kum­pas ang gobyerno sa mga pagpatay sa mga sangkot sa iligal na droga.

“The President mentioned it was good that Vice-President Leni Robredo accepted his formal offer to co-chair the Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD). He expects that he former will would see the realities on the ground, particularly to the government’s position against extra judicial killings,” ani Panelo.

Umaasa ang Palasyo­ na maiintindihan na ni Robredo na ang mga napapatay sa drug ope­ration ay resulta ng pag­laban ng mga suspek sa mga awtoridad na nagpapatupad ng batas at hindi basta na lamang pinapatay o nililikida ang mga ito.

Hindi dumalo ang pangalawang Pangulo sa cabinet meeting dahil mayroon umano itong naunang commitment.
Bukod dito, sinabi ni Panelo na hindi pa sila nag-uusap ni Pangulong Duterte kaugnay sa magi­ging saklaw ng kanyang kapangyarihan bilang drug czar ng bansa.

Tagumpay ni
VP Leni hangad
ni Sen. Go
NATUWA si Sen. Bong Go dahil tinanggap na ni Vice President Leni Robredo ang alok ng Pa­ngulong Rodrigo Duterte na maging bagong ‘drug czar’ sa bansa.
Ayon kay Sen. Go, hangad niya ang tagum­pay ni Vice Presidente Leni sa bagong tungkulin na iniatang sa kanyang balikat.

“We want her to succeed, para sa interest ng mamayan at ang bayan” Ani Sen. Go.

Inihayag pa ng bagitong Senador na babantayan niya ang gagawing ‘giyera’ kontra droga ni VP Leni.

“Ako naman po nga­yon ang magbabantay sa inyo, sabi po ninyo maraming inosente ang nadadamay, ngayon ako naman ang magbibilang kung ilang Pilipino naman ang mabibiktima ng droga sa ilalim po ng inyong pamamahala sa ‘war on drugs’” pahayag pa ni Sen. Go.

Sinabi pa ni Sen Go, mali ang akala ng oposisyon na madaling laba­nan ang mga ‘drug syndicate’ sa nag-ooperate sa bansa.

“Ilang Presidente na ba ang dumaan? Nabawasan ba ang droga? Nabawasan pa ang mga drug lord o lalo lamang dumami? Tanong ni Sen Go.

Aniya, ngayong panahon lang ng Duterte administration natapyasan ng malaki ang drug problem sa bansa dahil ginagamitan ito ng ‘kamay na bakal’ ng Pangulo. Aileen Taliping

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy