Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Robredo ayaw pahuli sa National ID

0 240

Nakumpleto na ni Vice President Leni Robredo ang Step 2 registration para sa pagkakaroon ng Philippine Identification System (PhilSys).

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nitong Lunes ay natapos na ng Bise Presidente ang nasabing hakbang sa Magarao, Camarines Sur, isa sa mga piling bayan sa 32 priority province sa PhilSys registration.

Sa Step 2 registation kinukuha ang biometric data ng registrant tulad ng fingerprint, iris scan, at front-facing photograph. Nagawa ito ni Robredo sa loob ng 12 minuto.

Mula Enero hanggang Abril 30, 2021, ayon sa PSA, 6,378,695 registrant na ang nakumpleto ang kanilang Step 2 registration.

Leave A Reply

Your email address will not be published.