Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Robredo ayaw makipag-agawan ng bakuna

0 312

Bagama’t pasok sa listahan ng Department of Health (DOH) comorbidities na dapat iprayoridad sa COVID-19 vaccination dahil sa hypertension ay hindi muna magpapaturok si Vice President Leni Robredo dahil kulang pa ang bakuna sa mga ordinaryong Pilipino.

“I’m qualified already kasi hypertensive ako. I belong to A3 [category] pero hindi pa ako nagpapa-vaccinate kasi kulang pa ng supply eh,” sinabi ni Robredo.

Ang A3 category ay kasama ang mga may comorbidities.

Sinabi ni Robredo na wala naman sa kanya kung anong brand ang bakuna, pero susunod siya sa irerekomenda ng DOH at Food and Drug Administration.

Dagdag ni Robredo na gustong magbigay ng kanyang tanggapan ng COVID-19 shot sa mga staff member at driver na laging nasa labas at nakakasalamuha sa komunidad. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.