Una sa Balita

Robles mainit, Davao tabla sa San Juan

0 164

SA pagkakataong ito, ginamit na ng Davao ang kanilang homecourt advan­tage.

Gumana ang opensa ni Billy Ray Robles, nagsalansan ng 17 puntos kasama ang walong boards para iahon ang Davao Occidental Tigers sa opening game loss kontra San Juan Knights 67-60 sa Game 2 ng kanilang best-of-five titular showdown Sabado, Abril 13, sa Rizal Memorial College Gym sa Davao.

Tabla na sa serye ang dalawang koponan 1-1, matapos ang pabida ni Robles, na nakakuha rin ng ayuda kay MarkYee na may double-double 16 points at 10 rebounds.

Lilipat ang Game 3 sa balwarte ng Knigts sa Martes sa FilOil Flying V Centre.

Hindi nakaporma ang Knights na nakakuha ng 17 at 11 points kina Mike Ayon Ayon at Larry Rodriguez dahil nalimitahan lamang ang mga bayani sa Game 1 ng San Juan na sina ex-pro Mac-Mac Cardona at John Wilson na mayroon lamang pinagsanib na 14 markers. (Fergus Josue, Jr.)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy