Una sa Balita

Robinsons supermarket-gokongwei binahayan ng daga

By
0 741

DIRING-DIRI ang netizen na si Ivy Lynn Calisay nang makakita siya ng daga sa shelves ng Ro­binsons Supermarket sa Ermita noong Pebrero 11 kaya agad ­niyang pinaalam sa staff nito.

Ang Robinsons ay pag-aari ng mga Gokongwei na siya ring may-ari ng Cebu Pacific at ­Universal Robina Corporation.
Sabi ni Calisay, nakita niya ang daga sa baking goods section. Kinuhanan pa nga niya ng picture bilang pruweba. Tila ina­amoy pa ng daga ang bote ng McCormick Ube flavouring.

“I called the attention of the staff but they just passed the section and no actions was done,” sabi ni Calisay.

At dahil dinedma ang kanyang concern, nabahala siya kaya’t simula noon, hindi na siya nagsho-shopping doon.

“This is a food safety issue,” sabi niya. “Decided not to shop with them, unsafe lalo na sa veggies and fruits. Plus, baka ma-food poison pa kami ng kids ko.”

Ang leptospirosis ay isang nakamamatay na sakit na dala ng mga daga. Ayon sa Center for Disease Control and Prevention ng Estados Unidos, nakukuha ang leptospirosis sa ‘exposure to urine and other body fluids of infected animals.’

Hindi humingi ng paumanhin ang Robinsons sa pangyayari at hindi rin ito nagbigay ng paliwanag kung bakit may daga sa ­baking goods section nito.

Sabi ni Robinsons Supermarket Corp. marketing manager Aja Totanes, “food safety, sanitation and the health of our customers are important to us. We make sure that regular pest control measures are conducted and processes are continuously improved.”

Nang makita ng mga Gokongwei ang reklamo sa social media, “we tapped our pest control contractor to increase the frequency of its pest control process,” dagdag pa ni Totanes.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy