Una sa Balita

Robins-Hardy, Cignal ginutay ang Sta. Lucia

0 241

IPINARAMDAM ng Cignal HD Spikers ang kanilang lakas matapos silang akbayan ni Alohi Robins-Hardy sa 25-8, 25-16, 25-22 panalo kontra Sta. Lucia Lady Realtors kahapon sa Philippine Superliga All-Filipino Conference sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Hindi na pinatagal ng HD Spikjers ang laban, tinapos nila sa tatlong set ang paluan upang ilista ang 4-5 karta.

Nagtala si Robins-Hardy ng 10 points kasama ang limang attacks, apat na service aces at isang block, may sahog pang 12 excellent dig at walong excellent set para sa Cignal na ipinalasap ang pang-siyam na talo ng Lady Realtors sa 10 salang.

Halos hindi pinawisan ang HD Spikers sa first matapos nilang limitahan ang Sta. Lucia sa walong puntos pero sa third set ay napalaban sila nang bahagya.

“Our players did a good job, we are very pleased that eve­rybody stepped up especially our second stringers,” saad ni Cignal assistant coach Rico de Guzman. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy