Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Robin tinawag na laos, ipokrito ng mga netizen

0 1,025

Dahil sa mensaheng mababasa niyo sa ibaba, umani ng matinding batikos si Robin Padilla sa lahat ng social media platform.

“Hindi ko na talaga batid kung san hindi magkaintindihan ang mga Pilipino. Ramdam na natin lahat sa ating mga tahanan ang unti-unting pagkalimas ng ating mga savings at hindi ito problema lang natin buong mundo ang suliranin na ito kayat imbes na mabuhay at magising ka araw-araw sa pagrereklamo at kakabatikos abay kumilos ka para makatulong at mapakinabangan una ng sarili mo, mga pamilya mo at ng Inangbayan.

Hindi ito ang oras ng pamumulitika! Ito ang oras ng pagtulong sa gobyerno maging ano man ang kulay mo. Isaksak niyo sa baga niyo at puso niyo na ang pinag uusapan ngayon at ang nakataya ngayon ay ang survival ng ating lahi at inangbayan Pilipinas. Join the Reservist “Ask not what your country can do for you – ask what you can do for your country.”

Mababasa sa Instagram ang banat kay Robin na siya ang dapat unang magising sa katotohanan, dahil tila bulag daw ito sa kaganapan ngayon.

Sa Twitter ay tinawag siyang ipokrito, dahil siya pa naman daw ang gumanap na Andres Bonifacio, pero heto siya at nagagalit sa mga Pilipino na nagpapahayag ng damdamin, boses nila.

Tinawag din siyang laos, clown, istupido, at kung ano-ano pang masasakit na kataga.

Anyway, marami rin naman ang sumuporta kay Robin na ipinagtatanggol siya. Na sinasabi nga na mas magandang magtulungan ngayon, kesa magtiryahan. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.