Una sa Balita

Robin sinulot si Brillante sa SONA ni Digong

By
0 1,336

ANG aktor na si Robin Padilla ang nagrekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte para maging director si Joyce Bernal ng ikatlong State of the Nation Address (SONA).

Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar matapos ang pagpupulong ng technical group at ni Bernal para paghandaan ang SONA ng Pangulo.

Ayon sa kalihim, walang isyu sa Palasyo kung bakit pinalitan ang batikan at premyadong director na si Brillante Mendoza pabor kay Bernal na nakilala sa pagdirek ng romantic-comedy films.

“Presidente lang ang makakapag-decide kung sino ang gusto niyang mag-direct. As a creative person, I’m also excited kung ano ang magiging output ni Direk Joyce.”