Una sa Balita

Robin, Sharon type gawing bida sa movie ng ex-PNP chief

By
0 639

Consistent si General Ronald ‘Bato’ dela Rosa, dating PNP chief, sa pagbanggit ng pangalan ni Robin Padilla na actor na gusto niyang gumanap bilang siya kung sakaling isasapelikula na nga ang buhay niya.

Open ito na gawing pelikula ang buhay niya at isa raw sa ipapakita niya talaga ay kung paano mula sa kahirapan ay nagsumikap siya na kahit paano ay makaahon dito. Naaliw kami sa kuwento niya na para makakain dahil madalas ay walang baon noon, ginagawa raw niya ang assignment ng mga kaklase, kapalit ng pagsi-share ng mga ito ng baon sa kanya.

Bukod pa ang paglalakad daw niya ng 8 kilometro papunta at pabalik sa school niya sa Davao dahil walang pamasahe. Pero ang maganda sa kanya, halatang proud ito sa pinanggalingan.

Natawa si Gen. Bato nang isunod na tanong dito ay kung ilan daw kaya ang gaganap na leading ladies sa movie niya, pero sey niya, “isa lang. Hahaha!

“Kilala niyo naman ako na ander de saya ako at mahal na mahal ko ang asawa ko. Pero siyempre, lalaki tayo, natural lang naman naa-attract, pero ‘wag ka na pahuli sa misis mo. Makita kang patingin-tingin sa babae, babatukan tayo nun.”

Sino ang napipisil niyang maging leading lady?

“‘Yung wife ko, ‘yung mature na wife ko, idol niya ‘yang si Sharon Cuneta. Sa bata-bata naman, gusto niya raw si Anne Curtis.”

 

General ayaw maging sindikatong pulis sa ‘Ang Probinsyano’

Natuwa rin daw si Gen. Bato na naresolbahan na ang isyu ng Ang Probinsyano ni Coco sa mga pulis. Kaya tinanong namin ito kung sino sa palagay niya ang mas sikat sa kanilang dalawa ni Coco bilang si Cardo Dalisay at siya bilang si Bato na dalawa sa kilalang pangalan pagdating sa kapulisan.

“Ah si Cardo! Sikat si Cardo, Bato lang ako, e. I have no names. Non-entity po tayo,” sabi pa niya.

Nagkita at nagkausap na raw sila ni Coco nang minsang du­malaw ito sa opisina niya. Nagpasalamat nga raw siya rito sa mga nagagawa nito sa kapulisan dahil sa seryeng Ang Probinsyano.

“Tumaas ang paghanga ng mga tao sa kapulisan.”

At take note, game na game rin si Gen. Bato na mag-guest pala sa Ang Probinsyano kung sakaling iimbitahan daw siya.

“Walang problema, pupunta ko run kung iimbitahan niya ko. Basta ‘wag lang yung pulis na papatayin, sana ‘yung buhay. Kung sindikato na pulis, e, hindi ako pupunta.”

Given na rin ang pagpasok niya sa politika sa taong 2019 bilang isa sa mga tatakbo sa pagka-senador. Na bukod sa advocacy niya laban sa droga, gusto rin daw niyang matutukan ang kalagayan ng mga OFW.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy