Una sa Balita

ROBIN AT RICHARD, AGAWAN KAY JODI!

By
0 141

Tuloy na tuloy na pala ang bagong teleserye na gagawin ni Jodi Sta. Maria na magsisilbing reunion nila ni Richard Yap sa telebisyon after their phenomenal Be Careful With My Heart.

This time nga lang, hindi na lang si Richard ang magiging love interest ni Jodi kung hindi maging si Robin Padilla.

Mahal ng network si Jodi dahil bukod sa dalawang lead actors, kasama rin sa serye si Christopher de Leon kaya talagang pinag-isipan ang cast.

‘Yun nga lang, sa huling interview ni Robin, nagpahiwatig ito na tila hindi pa talaga go na go sa project. Isa raw sa dahilan, ang mahaba nitong buhok ngayon.

Hindi pa raw nito puwedeng paputulan dahil nga kasalukuyan din niyang ginagawa ang pelikulang Bad Boy 3. Pero a source told us na duma­ting naman daw si Robin sa storycon.

So, is Robin in or not sa bagong serye ni Jodi na nakapag-storycon and look test na and most likely, sisimulan na ang taping.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy