Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Robin proud utol kay Ejay Falcon

0 262

Super proud si Robin Padilla sa kapwa artista niyang si Ejay Falcon, na nanalo ngang vice governor ng Mindoro. Tuwang-tuwa nga si Robin, na may mga artista pa rin talaga na pinagkakatiwalaan ng mga Pinoy.

Well, may mga panahon kasi na halos lahat ng artista ay natalo sa eleksiyon. Mga panahon na ayaw na ngang pagtiwalaan ang mga artista na humawak ng government position.

Anyway, pagbagi nga ni Robin kay Ejay:

“My sibling.

“Congratulations on your win!”

Marami nga ang natuwa sa panalong ito ni Ejay. Dahil noong pumasok nga siya sa Pinoy Big Brother, ang makatulong sa mga kabataan sa Mindoro ang pangarap talaga niyang gawin.

At kahit nga hindi pa siya pumapasok sa politika, taon-taon ay gumagawa siya ng mga charity sa kanyang kinalakihang lugar. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.