Una sa Balita

Robin, Piolo binawalang mag-shooting sa Marawi

0 562

abante-i-know-better-jun-nardoBinawalan ng pamu­nuan ng Armed For­ces of the Philppines ang cast, staff at production crew ng pelikula tungkol Marawi City na pumasok sa mismong pinangyarihan ng nakaraang giyera dahil sa mga hindi sumabog na itinamin doon ng mga te­rorista.

Ngayong August ang target shooting ng grupo sa mismong Marawi matapos ang ilang buwang pagsasaayos ng script at mga kailangan sa shoting. Isang buwang mananatili roon ang mga artista na pina­ngungunahan ni Robin Padilla at iba pa.

Sa balita ni Binoe sa kanyang Instagram kahapon, bigo silang ma­kapag-shooting mismo sa Marawi dahil sa regulas­yon ng AFP.

Tuwang-tuwa pa naman si Robin nang mag-alok ng tulong ang Spring Films, Direk Joyce Bernal at Piolo Pascual na matupad ang pangarap niyang, “Makagawa ng isang pelikula tungkol sa kultura at tradisyon ng Maranao at sa kabayanihan ng mga sundalo laban sa local at dayuhang ISIS.”

Ayon pa sa post ng action king, ang kikitain ng pelikula ay mapupunta sa housing project ng Tindig Marawi. Tulad nina Direk Joyce, Robin at Piolo, hindi rin nagpabayad ang gumagawa ng plano, architecture at engineering na sikat na Palafox.

“Halos P300 million ang budget ng full development ng Housing na ang main purpose ay ma-preserve ang dignity, culture at tradisyon at pananampalataya ng mga Marano,” saad pa ni Binoe.

Heto ang huling mensahe ni Robin matapos pagbawalang mag-shooting sa ground zero ng Marawi.

“Security and safety is always the priority kaya I leave it all to ALLAH! Matuloy pa o hindi GOD is my witness I only do these things for the glory of God! Our Nation and our People.”