Una sa Balita

Robin nangangamba sa kaligtasan ng mga anak

0 452

Humihingi ng tuloy-tuloy na dasal si Robin Padilla para sa crisis na nagaganap ngayon sa pagitan ng Iraq at ng USA.

Sa kanyang Instagram post, makikita ang larawan ni US President Donald Trump at mababasa ang statement nito na nagpapahayag ng pagnanais niyang idaan sa peace settlement ang girian sa kanilang dalawa ng Iran.

“For the people and leaders of Iran: we want you to have a future. One that you deserve. One of the prosperity at home, and harmony with the nations of the world. The United States is ready to embrace peace with all who seek it. – US President Donald Trump.”

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Robin na nag-aalala siya sa kaligtasan at kapakanan ng kanyang mga anak at sa mga magiging apo niya sa mga susunod na henerasyon.

@robindhoodpadilla, “Im In nobodys side but on God’s side I was quiet on this issue because this was the most critical part of our generation more than the missile crisis in Cuba in the 60s..”

Ayon sa kanya mas matindi ang pananalangin niya ngayon kumpara sa mga pagdarasal niya nitong mga nakaraan.

“I haven’t prayed as much as I did since the start of the crisis I was not afraid for myself but for my little children and grandchildren. Let us continue to pray for the leaders of the world to embrace peace always not war there is so much pain and suffering out there that we need to address confront.

“Let us keep on praying in silence and united that is more noble than being noisy and judgemental.” (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More