Una sa Balita

Robin nanawagan sa mga kapatid na Muslim

0 527

Pahinga muna sa isyu ng ABS-CBN:

Pansamantalang kumalma si Robin Padilla sa isyu ng franchise renewal ng ABS- CBN at sa halip ay ang panawagan sa mga kapatid na Muslim ang laman ng posting niya.

Ceasefire muna ang aktor sa ipinaglalaban niyang working benefits ng mga manggagawa sa Kapamilya network. Naka-post sa Instagram ni Robin ang isang quote tungkol sa mga worker.

“Prophet Muhammad peace upon him said, ‘i will be the opponent of three typez of people on the day of judgement,’ and he listed on of them as ‘one who hires a worker, but does not pay him his right wages owed to him aftr fullfilling his work.’”

At sa isang window ng parehong post nito, nakapaskil ang isang proverb:
“The prophet said: ‘Pay the worker for his work before his sweat dries.’ (Ibn Majah, ­Hadith: 2443.)”

Nakasaad sa caption ni Robin ang panawagan sa mga kapwa Muslim na bayaran ang mga nagtatrabaho para sa mga ito.

“God is great! Isang paalala unang una sa akin at sa lahat ng mga Muslim sa buong mundo lalong lalo na sa middle east kung saan may mga hindi nababayaran na mga Overseas Filipino Workers ako nananawagan sa lahat ng mga Muslim na bago magpahayag ng Islam sa kahit na kanino ma siguraduhin muna natin nasusunod natin ito lalo ang mga big brother na mga arabo.

‘he should make him slave/servant) sit along with him and make him eat (along with him), and if the food seems to run short, then he should spare some portion for him (from his own share) in shaa allah may the Almight God? Allah have mercy on us each of us in this life and to the next…’”

Sa pagkakataong ito, bukas na ulit ang ­comment section ni Ro­bin, at marami ang pumupuri sa mensahe niya.

Anak nina Juday, Ryan na si Lucho future football idol

Proud at happy sina Judy Santos at Ryan Agoncillo sa kanilang anak na si Lucho. May potential na maging isang national team player sa football si Lucho kung ang pagbabasehan ay ang mga post ni Ryan ng laro ng anak.

Sa pinakahuling post ni Ryan sa kanyang ­Instagram, mapapanood ang performance ng bata na laging nakaka-score. Payatin at mukhang lampa sa mga larawan, pati na sa mga home video nina Juday at Ryan, pero pagdating sa arena at laro ay parang ipo-ipo sa bilis at galing sumipa ni Lucho.

Maririnig ang boses nina Ryan at Judy na napapasigaw sa tuwing sisipa ang anak at makaka-score. Maging ang mga follower nina Ryan at Juday ay humahanga sa galing ni Lucho, at halos lahat ay nagsasabing magiging soccer, football idol ang bata pag­laki nito.

Winwyn maskulado na, ‘di na mukhang beauty queen

Iba na ang tinatahak na career ni Winwyn Marquez sa lara­ngan ng sports. Mas ­nagiging hardcore nga siya sa training.

Nag-first place nga sa isang weightlifting competition sina Winwyn at ang kapatid ­niyang si Yeoj Marquez. Naka-post sa Instagram ni Winwyn ang certificate ng kanilang pagkapanalo.

Bago ito, maki­kita sa mga posting ni Winwyn ang training kung saan bumubuhat siya ng mabibigat na metal plates na animo ay isang professional weightlifter.

To date, kaya nang bumuhat ni Winwyn ng 55 lbs, kasingbigat ng binubuhat ng mga barakong weightlifter.

Hindi na nga maki­kita sa pigura ni Winwyn ang dating pang-beauty queen type body measurements, dahil lumaki na ang mga muscle nito sa hita at nagkalaman na rin ang kanyang mga braso. Sabi nga, maskulado na siya ngayon.

Ngayong nakatikim ng panalo si Winwyn sa larangang ito, asahang masusundan pa ito ng iba pang paglahok nito sa mga kumpetisyon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More