Una sa Balita

Robin nagpugay sa mga nasawing volunteer

0 379

Mga tunay na bayani:

Nagpugay si Robin Padilla sa tatlong volunteer na nasawi habang nasa gitna ng kanilang pamimigay ng relief goods. Naka-post sa Instagram ni Robin ang larawan ng tatlong kabataan na namatay dahil sa aksidente matapos ang pamamahagi nila ng relief goods sa mga biktima.

Nakasulat sa location section ni Robin ang “HONOR THE SACRIFICE” bilang pagkilala niya sa kabayanihan ng tatlo. Tinawag ni Robin ang tatlo sa kanyang post bilang mga “YOUNG HEROES OF TALL”.

“YOUNG HEROES OF TALL Rio, Darwin, and Maximo finished delivering relief goods to the victims of Taal Volcano eruption, and were on their way home when they got into this tragic car accident. Rio and Maximo were proclaimed dead on the spot, while Darwin, suffering physical injuries, was rushed to the nearest hospital, but was pronounced dead the following day, Jan. 15.”

Hindi na kailangan pang isulat ni Robin pero ramdam sa kanyang posting ang kalungkutan at paghanga nito sa tatlong mabubuting Samaritan.

Angeline, Karla, Jennica daig ang mga politiko sa pagtulong

Parami nang parami ang mga artista, singer na tumutulong sa mga biktima ng pagsabog ng bulkang Taal.

Nandiyan nga si Angeline Quinto na nagpunta mismo sa evacuation center sa Nasugbu, Batangas para mamahagi ng mga bags of goods.

Naka-post sa Instagram ni Angeline ang video kung saan siya mismo ang nag-aabot ng mga supot na naglalaman ng iba’t ibang pagkain.

Kasama naman ni Karla Estrada ang kapwa niya Kapamilya na taga-Batangas na si Jayson Gainza sa pagpunta sa evacuation center sa naturang lalawigan. Masisilip sa Instagram ni Karla ang pangangamusta niya sa mga tao sa isang covered court.

Kung si Angeline ay pinasalamatan si Dr. Vicki Belo sa donasyon nito, nakasulat naman sa caption ng post ni Karla sina Marcelito Pomoy na nag-alay ng dasal para sa mga nasalanta.

Pero sa bilis at malasakit, wala na sigurong papantay pa sa anak ni Jean Garcia na si Jennica Garcia at ang asawa nitong si Alwyn Uytingco. Sa unang araw pa lang matapos ang pagputok, hanggang sa kasalukuyan ay hindi tumitigil ang magdyowa sa pangangalap ng donasyon at personal na nagdi-deploy nito sa mga evacuation center.

Pinost rin ni Nadine Samonte ang maraming kahon ng pagkaing pinamili niya at pati na rin mga bottled water. At sa caption, pinasalamatan niya si Jennica na humingi ng tulong-donasyon para sa mga nasalanta.

Hindi na sikat si Jennica pero kapuri-puri ang kabayanihan niya sa kanyang mga kababayan.

Samantala, idinaan naman sa Red Cross nina Belo at ng anak na si Scarlet Snow ang tulong nila sa Taal eruption evacuees. Nag-tweet si Richard Gordon sa pagbisita ng mag-ina sa Red Cross para magbigay ng P500,000.

Gerald ‘di nakasama sa pamumudmod ng relief goods

Pinanghihinayangan ni Gerald Anderson ang hindi niya pagsama sa isang team na dumayo para personal na alamin ang kalagayan ng mga survivor ng Taal eruption, at bigyan ang mga ito ng pagkain pati na ng iba pa nilang pangangailangan.

Pinost ni Gerald ang ilang larawan na ng mga lugar na natabunan ng ash fall at ang team na nakikipag-usap sa mga evacuee. Pinuri niya ang pagkakaisa ng mga Pinoy sa tuwing may mga kalamidad gaya ng Taal eruption.

Binanggit niyang nanghihinayang siya sa hindi niya pagsama sa grupo.

“Makes me proud to be a Filipino. We have many problems as country, but when mother nature hits us hard and our fellow countrymen/women are in need, we come together like a force that can’t be stopped. I wish I was with my Phil youth-KASAMA team helping the evacuees in Taal Tagaytay Batangas earlier today. Very proud to be with people who really love our country,” sabi ni Gerald.

Hindi na nagpaliwanag si Gerald sa dahilan kung bakit hindi siya nakasama.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More