Una sa Balita

Robin nag-warning na kay Aljur na pakasalan si Kylie

By
0 5,150

Iisa lang naman ang gustong mangyari ni Robin Padilla para maging maayos sila ni Aljur Abrenica. Pasakalan nito ang kanyang anak na si Kylie at tapos ang isyu sa pagitan nilang dalawa.

Pero, kung ayaw nilang sundin ang gusto niya, e, ‘wag sila umasa na suportado niya ang kanilang relasyon.

Bilang isang ama, ang pangarap nito ay makitang maikasal ang kanyang anak at legal na makisama sa lalaking mahal nito lalo na’t meron na silang anak.

Firm din si Robin sa kanyang stand na siya ay advocate ng kalayaan, kaya ayaw niyang pakialaman ang anumang desisyon ng dalawa. ‘Yun nga lang, hanggang nagsasama ang dalawa na walang bendisyon sa Itaas, patuloy na malamig ang magiging pakikitungo niya sa kanyang future manugang.

Sabi pa nga niya, one plus one lang ‘yun at hindi na kailangan pang pag-isipan ni Aljur ang problema sa pagitan nilang dalawa. Engaged na rin naman sina Aljur at Kylie noong nakaraang taon pa, pero ang pangarap ni Binoe para sa kanyang anak ay nananatiling nakabitin pa sa hangin.

Hindi rin daw niya kayang mag-request na magpakasal sa dalawa, dahil kung siya nga raw ang magdedisisyon, hinatak na niya ang kanyang anak sa simbahan.

Anyway, mega-work naman ngayon si Aljur na bida rin sa Asintado, kaya malay natin na nag-iipon lang ito ng budget para sa kasal tapos ito ang magiging malaking sorpresa nila sa kanilang ‘tatay’.  

Gladys-Christopher stop na sa paggawa ng baby

Stop na raw muna sina Gladys Reyes at Christopher Roxas sa kanilang baby factory dahil nakaapat na sila kahit ang gaganda ng lahi nila, noh!

Ayon sa aktres, pinag-usapan na nila ito ng kanyang mister dahil lumalaki na rin nga talaga ang gastusin lalo na’t pinaglalaanan nila nang husto ang edukasyon ng kanilang mga anak na nakakalula talaga ang taas ng tuition fees sa private schools.

Kaya, doble kayod ang mag-asawa at ipon nang ipon.

‘Yun nga lang, kahit dagdag gastos para sa kanila ang kanilang renewal of vows dahil inabot na nila ang ika-25th ng kanilang pagsasama, kebs nila dahil napaka-importanteng okasyon ito sa married life nila, noh!

Naku, iilan na lang sa mga showbiz couples ang nakakaabot ng silver anniversary, noh!

Kaya marami talaga ang bilib sa dalawang ito na lalo na at nagsimula ang kanilang relasyon na mga bagets pa sila at maaga ring ikinasal.