Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Robin kinuhang adviser si Sal Panelo

0 80

Bagamat natalo sa senatorial election, may trabaho pa ring naghihintay para kay dating chief presidential legal counsel Atty. Salvador Panelo sa susunod na administrasyon.

Ito’y matapos ianunsyo ni Robin Padilla na kinuha niya bilang legislative adviser at mentor si Panelo. Kasalukuyang nangunguna si Padilla sa bilangan ng mga kandidato sa pagka-senador.

“Kailangan ko ng pambato sa usapin ng batas pagdating sa Senado,” sabi ni Padilla sa kanyang Facebook post kung saan inilahad ng action star ang pagkuha kay Panelo bilang adviser.

Isa sa pangunahing layunin ni Padilla sa Senado ay ang pagbabago ng Saligang Batas sa pamamagitan ng pagtutulak sa pederalismo.

“Ang pagpapalit ng saligang batas ay hindi magiging madali sapagkat ang babanggain nito ay ang kasalukuyang naghaharing mga oligarko nakakubli sa 1987 constitution,” dagdag ng aktor.

“Hindi man kami nagtagumpay ni idol Salvador Panelo na maging magkasama sa senado. Isa lang ang sinigurado namin dalawa. Walang mababago sa aming adhikaing pagbabago. Walang makakapigil sa rebolusyon,” wika pa ni Padilla.

Habang si Padilla ang nangunguna sa boto sa pagka-senador, si Panelo naman ay nasa ika-26 na puwesto. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.