Una sa Balita

Robin kinalkal ang masamang ugali ni Coco

0 1,095

Hindi pa rin maawat si Robin Padilla sa kanyang mga hugot laban sa ilang isyu sa ABS-CBN.

Sinagot ni Robin ang isang netizen na nag-comment na sana ay gayahin na lang daw niya ang tulad ni Coco Martin na maraming tinutulungan na mga artista na magkaroon ng trabaho sa kanyang show na “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Siyempre, may sagot dito si Binoe at nakalkal pa niya ang dating issue ni Coco.

“Napakarami ko pong pelikula na nagawa ko na nagkataon lang na wala akong ganang magpelikula dahil sa nangyayari sa likod ng camera.

“Matagal na pong practice ‘yan, natutunan lang po ‘yan ni direk Coco sa mga naunang action stars.

“Siguro po mainam sabihin niyo po kay direk Coco na ‘wag bubuhusan ng tubig ‘yung mga crew na nakakatulog sa pagod at pagpatol sa location manager na babae.

“Si John Lloyd (Cruz) po ay isa sa mga artista ng abscbn na katulad ko ayaw na gumawa.

“Ang pagsasabi ng totoo ay hindi sama ng loob. Ang katotohanan ay masakit, pero ito ay nagsisilbing panggising sa mga tulog. Peace be with you.”

Naging issue nga raw kay Coco noong 2018 ang pagbuhos nito ng tubig sa natutulog na talents ng kanyang pinagbibidahan na teleserye.

Ayon sa paliwanag ni Coco, nagiging biro raw niya iyon sa mga talents ng show na natutulog.

Pinagsabihan nga raw si Coco ni Susan Roces na hindi raw niya dapat gawing biro ang mambuhos ng tubig sa mga talent na nagpapahinga. Never daw kasing ginawa iyon ni FPJ sa mga nakakatrabaho nito sa pelikula. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More