Una sa Balita

Robin ‘di palabas, pasikat ang pagsusundalo

0 1,053

Natupad ang plano at pangarap ni Robin Padilla na maging isang military gaya ni Matteo Guidicelli. Isa na ngang Captain reservist ng Philippine Army si Robin.

Pinoste ni Mariel Rodriguez sa kanyang Instagram ang larawan ni Robin na na naka-military uniform. Sa caption ay masayang binati ni Mariel ang mister niya sa bagong achievement nito at sa pagiging isa nitong Captain.

Hindi role sa isang acting project ang pagsusuot ng military uniform si Robin, dahil nilinaw ito mismo ni Mariel sa ilang comments sa post kung para sa isang pelikula ba ang larawang ito ni Robin. Iginiit ni Mariel na hindi ito para sa isang pelikula.

Nakaposte rin sa IG ni Robin ang photo nito na naka-military officer uniform at ang sombrero na may seal ng AFP.

Nasopresa ang mga supporter ni Robin dahil wala naman itong pinoste na training video ng pagsali nya bilang sundalo ng Pinas.

Anyway, dumadami na ang mga actor na reservist, na pinangunahan ni Matteo, sumunod si Gerald Anderson at iba pa. (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy