Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Robin binara mister ni Megastar

0 236

“SIR Senator Kiko, ikaw ang dapat magmulat ng mata mo at gumising sa katotohanan na wala ka talagang nagawa bilang senador.”

Ito ang tugon ng aktor na si Robin Padilla sa paghimok ni Senador Kiko Pangilinan sa publiko na panatilihing buhay ang diwa ng EDSA Revolution.

Anang aktor, wala umanong ibang ginawa ang senador kung hindi ang mambatikos.

Binigyang-diin din ni Padilla na hindi siya naniniwala sa EDSA People Power Revolution at sa sinisimbolo nito, bagkus ginagamit lang umano ito ng mga makapangyarihan.

“Matagal na kaming gising at mulat sa EDSA Revolution na wala naman naidulot sa Pilipino kundi power grabbing. Mas lalong yumaman lang ang mga mayayaman at mas lalong naghirap ang mga mahihirap,” pagdidiin niya.

“‘Wag mo akong turuan sa People Power na ‘yan dahil isa ang tatay ko sa arkitekto niyan at pagkatapos magwagi ay pinagmitsahan pa ng buhay niya na mga kasama rin niya ang mga kasabwat dahil sa jueteng at smuggling sa Camarines Norte,” pagpapatuloy niya.

Hinamon pa ng action star ang senador na magpakita ng ehem­plong magsasaka na umunlad ang buhay matapos ang naturang rebolusyon.

Aniya, mas mabuti na lang na tumahimik si Pangilinan lalo pa’t wala namang pinagbago ang kalagayan ng bansa nang matapos ang pagkilos.

Ang reaksyon ni Robin ay bilang tugon sa pahayag ng senador noong Huwebes na panatilihing buhay ang diwa ng EDSA People Power. (Vienne Angeles)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.