Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Robin bangkarote, Mariel nagbenta ng karne

0 126

Malapit nang tumaob ang bigasan ni Robin Padilla sa napipintong pagkaubos ng kanyang naipon. Sa Instagram post niya ng statement ni President Duterte, na nagsasabing mayroong ginagawa ang gobyerno, inamin ni Robin sa caption na nagalaw na nila ng misis niyang si Mariel Rodriguez ang educational savings para sa kanilang mga anak.

“Mga kababayan kaya natin ito basta tulong-tulong tayo. Hindi lamang po kayo ang hirap pati kami sa aming tirahan ay masikip na ang sinturon sa pagtitipid, ang mga savings ay naghihingalo na kaya pati ang nakalaan para sa edukasyon ng mga bata ay nagalaw na…” sabi ni Robin.

Ayon pa rin kay Robin ang mga taong umaasa sa kanila ni Mariel ay patuloy nilang binabalikat at nagbabahagi rin sila ng tulong sa mga malalayong lugar.

SM food to go Banner Ad

Sinabi pa ng aktor na nagbebenta na ng karne ang asawa niya para madugtungan ang kanilang gastusin sa bahay.

Magtiis pa at magdasal ang panawagan ni Robin sa nararanasang krisis sa bansa dulot ng pandemya. (Rey Pumaloy)

Leave A Reply

Your email address will not be published.